‘The General’s Daughter,’ posible nga bang huling serye na ni Angel Locsin?

0
57
tgd-huling-serye-na-ni-angel-locsin
Angel Locsin

Noong Huwebes, sinagot ng Kapamilya actress na si Angel Locsin ang tanong kung ang ‘The General’s Daughter’ na nga ba ang huling teleseryeng kanyang pabibidahan. 

Sa press conference ng teleserye para sa finale week nito, nakapanayam ng ABS-CBN News si Locsin at sinabi nito na hindi pa siya sigurado ngunit baka may posibilidad nga na ito na ang kanyang magiging huling serye. 

“Baka. Hindi ko pa sure. Depende ‘yan sa mga tao, sa management, pag-uusapan din namin ni Neil [Arce] kung ano ang plano namin,” pahayag ni Locsin. 

“Baka po talaga, ayoko magsalita nang tapos pero posible.”

Noong Hunyo ay nagpropose ang kanyang nobyo na ngayo’y fiancé na niya na si Neil Arce. Kaya naman nang tanungin naman ang aktres kung magpapahinga na ba talaga ito at pagtutuunan ng pansin ang pagpapakasal pagkatapos ng ‘The General’s Daughter,’  ito ang kanyang isinagot:

“Hindi naman po dahilan ang kasal namin kung bakit matitigil ang ‘The General’s Daughter. Hindi po iyon. Nagkataon lang po talaga sa kwento, ganyan… at matagal pa naman po ‘yong kasal namin.”

Samantala, sa pagpapatuloy ng thanksgiving conference, sinabi ni Locsin na babalik siya sa pag-arte pagkatapos nilang magpakasal ni Arce. 

“Meron po akong four pending movies pa sa Star Cinema na kailangan ko pong gawin bago matapos ‘yung contract ko. Ayoko munang pagusapan kasi, ako kasi hanggang wala pa dyan sa harap ko, ‘di pa siya talaga tuloy eh,” aniya. 

“So after ‘The General’s Daughter’ aayusin ko muna ‘yung health ko ulit, sa dami ng binagsak ko and also papagaling muna ulit ako and aayusin ko po ‘yung kasal ko. I think ayon ‘yung mas malaking challenge, mas mahirap na challenge na papasukin ko. Good luck na lang po talaga sa akin,” dagdag ng aktres.

Samakatuwid, maaasahan ng mga taga-suporta ni Locsin na mapapanuod nilang muli ang kanilang iniidolo pagtapos nitong magpahinga. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here