Nais ni Tolentino na gawing 4 ang mga bituin sa watawat ng Pilipinas

Para saan ang pang-apat na bituin?

0
200
tolentino-4-bituin-sa-watawat-ng-pilipinas

Suhestiyon ng bagong luklok na si Sen. Francis Tolentino na gawing apat ang bituin sa watawat ng Pilipinas.

Noong isang taon ay iminungkahi naman ni Senador Gordon ang tungkol sa pagdagdag ng bilang ng sinag sa araw ng watawat bilang pagkilala sa kabayanihan ng ating mga kapatid na Muslim.

At heto naman din si Senador Tolentino sa kanyang indikasyon na gawing apat ang bituin sa ating watawat.

Pahayag ni Sen. Tolentino kumakailan sa pagdiriwang ng ika-121 na anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa Davao City na nais niyang dagdagan ng isa pang bituin ang watawat ng Pilipinas bilang pagkilala sa Benham Rise.

Ang Benham Rise ay ang pagkilala sa hindi pag-angkin ng mga dayuhan sa Benham Bank, isang underwater plateau, na matatagpuan sa bandang Silangang hangganan ng Pilipinas na mayaman sa koral, hindi tulad ng Scarborough Shoal na kinukuha ng bansang Tsina mula sa Pilipinas.

“I propose a fourth star to the Philippine flag. A fourth star to reflect the Benham Rise, the future Philippines, the future land of the next generation of Filipinos,” mungkahi niya.

Nais din ni Tolentino na dapat ipagdiwang ang bagong kalayaan ng Pilipinas. Kabilang na dito ang tinutukoy nilang kalayaan laban sa ilegal na droga, kahirapan, korapsyon, krimen, at ang kalayaan sa pangangalaga sa kalikasan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here