Trans woman, hindi pinapasok sa CR ng babae; pinag-usapan sa social media

0
214
Trans woman, hindi pinapasok sa CR ng babae; pinag-usapan sa social media
Naging malaking usap-usapan sa LGBTQ+ community ang insidente ng isang transgender woman na hindi pinapasok sa CR sa isang mall sa Araneta Center.

Ang 28-anyos na transgender woman ay hindi pinayagang makagamit ng palikuran ng mga babae sa Quezon City. Naging malaking usap-usapan ang insidente sa LGBTQ+ members sa social media. 

Naganap ang pangyayari kahapon sa isang mall sa Araneta Center. Ayon sa kwento ng ng Cubao, Quezon City Police, ala-una ng tanghali nang pinigilan si Gretchen Diez ng isang janitress na pumasok sa CR ng mga babae. 

Kinukuhanan ng video ni Diez ang mga pangyayari, dahilan para tumawag ang janitress ng guwardya, na siyang pumigil kay Diez. 

Ang banggit ni Lt. Col. Giovanni Caliao, Cubao police station chief, sa kanyang text message sa Inquirer.net, ay balak pang magsampa ng kaso ng janitress laban sa diumanong hindi makaturangang panggugulo ni Diez, ngunit umurong din siya bandang huli. 

Sa kabilang banda naman ay walang balak magsampa ng reklamo si Diez sa nasabing janitress. 

“Hindi na po magfile ng kaso sa isa’t isa yung magkabilang panig,” ayon kay Calioa. 

Kwento ni Seguerra 

Maging ang sikat na personalidad na isa ring member ng LGBTQ+ community na si Ice Seguerra ay naglabas ng sama ng loob ukol sa naging sitwasyon ng transgender woman. 

Si Ice Seguerra, o mas kilala bilang Aiza Seguerra noong babae pa sya, ay isang sikat na singer at dating chairperson ng National Youth Commmission (NYC).

Pagbabahagi ng singer, kahit siya ay nasaktan sa balita at inaming siya rin ay takot sa mga ganoong pangyayari.

“This is a real concern. Na hangga’t hindi mo pa nararanasan, isasawalang bahala mo lang. Concern na hindi ko kailanman inisip na pagdadaanan ko rin pala. Para sa iba mababaw, pero hindi eh,” ayon sa post ni Seguerra sa kanyang Instagram post. 

“Hindi mababaw yung pagtititnginan ka ng mga tao lalo na yung papalabasin ka. Parang kinakain ako ng lupa sa tuwing nangyayari yun and what’s worse is I don’t feel safe. All of these feelings and more, AND NOW THIS… just because gusto lang namin magbanyo.”

Bilang isang transgender man, inamin din ni Seguerra na ganoon din ang kanyang karanasan sa tuwing gagamit siya ng CR.

“Honestly, this is one of my biggest fears whenever I’m out. Lalo na pag nasa Arabic countries ako. Pag sa pambabaeng banyo, ilang beses na akong pinalabas. And kung sa panlalaki naman, ang daming tanong, lalo na kung may mga Pinoy.”

Ibinahagi din niya na tuwing may ASEAN events siyang dinadaluhan ay pinipigilan na lang niyang hindi uminom ng tubig dahil sa takot niyang mag banyo. 

“Kapag may ASEAN events akong dinadaluhan nung nagtatrabaho ako sa NYC, hindi ako umiinom ng tubig buong araw kasi natatakot ako mag banyo.”

Sogie Equality Law 

trans-woman-hindi-pinayagan-sa-cr-babae-1
The rainbow flag: symbol of the LGBTQ+ community

Nagtrending sa Twitter ang naging hinaing ng mga LGBTQ+ members tungkol sa Sogie Bill. Lalong lumakas ang kumpyansa nilang maipasa ang batas para mas mabigyan ng tamang edukasyon ang mga hindi miyembro ng kanilang komuninad na tratuhin sila nang pantay.

Nagbahagi din ng opinyon si Sen. Risa Hontiveros na hindi sapat na tanggap lang ng mga tao sa Pilipinas ang mga LGBTQ+. Sinabi niyang araw-araw na nakakaranas ang mga ito ng pambabastos at diskriminasyon kaya marapat na ipasa lamang ang Sogie Bill sa senado. 

Ngunit banggit nga ng karamihan, hindi naman na kailangang magkaroon ng batas bago matutuhan ng mga tao kung papaano gumalang at rumespeto ng kapwa tao. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here