Raffy Tulfo, hindi raw kumikita ng P50M mula sa kanyang YouTube channel

0
329
tulfo-itinangging-kumikita-ng-P50M-sa-kanyang-YouTube-channel
Sa dami ng mga tagasubaybay ng kanyang programa sa YouTube, maraming ang nagsasabi na kumikita ng malaking pera ang broadcaster at TV personality na si Raffy Tulfo.

Kamakailan ay umani ng atensyon sa YouTube community si Raffy Tulfo, na isang TV5 broadcaster, at ang kanyang YouTube channel na Raffy Tulfo in Action

Ayon sa usap-usapan, umaabot na ang kinikita ni Tulfo sa P50 milyon mula sa kanyang channel. Ito ay dahil marami raw ang nanonood sa live broadcast ng kanyang programang Wanted Radyo ng Cignal TV at Ragyo Singko. 

Ngayon ay mayroon ng mahigit 5.3 milyong subscribers na ang YouTube channel ni Tulfo. 

Ngunit nang nakapanayam ito ng PEP.ph, itinanggi niya na kumikita siya ng malaki mula sa kanyang platform.

“Hindi, wala po yun, walang katotohanan po yun. Actually, napanood ko rin yun, estimate lamang po yun na puwedeng mangyari at puwede ring hindi mangyari,” sabi ng broadcaster at TV personality.

“Malalayung-malayo po yun. Trust me. Kasi, kung yun po ay may katotohanan, sana naka-drive na ako ngayon ng Rolls Royce,” dagdag niya.

Samantala, nang tanungin siya kung anong masasabi niya sa pagiging trending at instant star niya sa YouTube, ito ang kanyang sinagot.

“Yung sa trending, thank you. Yung sa income, baka mamaya habulin ako ng BIR,” pahayag ni Tulfo.

Sa kabilang banda, hindi naman itinanggi ni Tulfo na kumikita siya sa pamamagitan ng kanyang YouTube channel. 

“Kahit papaano, pangtawid-gutom, puwede. Pangtulong paminsan-minsan sa mga nangangailangan, puwede,” sabi niya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here