SA WAKAS! Vhong Navarro, ikinasal na sa long-time partner

0
88
vhong-navarro-long-time-partner-magpapakasal-na
Kapamilya comedian at host na si Vhong Navarro, ikinasal na sa kanyang matagal na nobyang si Tanya Winona Bautista.

Ikinasal na ang comedian at ‘It’s Showtime’ host na si Vhong Navarro at ang kanyang long-time partner na si Tanya Winona Bautista. 

Ngayong araw, Nobyembre 28, ay ginanap ang pag-iisang dibdib ng dalawa sa Four Seasons Hotel sa Kyoto, Japan. 

Ang importanteng okasyon na ito para kina Vhong at Tanya ay dinaluhan ng kanilang mga pamilya at ilang malalapit na kaibigan at katrabaho sa industriya. 

Sa katunayan, una nang nagtaping ang cast ng ‘It’s Showitme’ cast kabilang sina Vice Ganda, Anne Curtis, Jhong Hilario, at Kim Atienza upang makadalo rito.

Kasama sa mga principal sponsors ng dalawa sina Chito Roño, na siyang talent manager ni Vhong, at ng Regal Entertainment producer na si Roselle Monteverde.

Samantala, ibinahagi ni Kuya Kim sa kanyang Instagram ang isang footage ng kasal nina Vhong at Tanya.

View this post on Instagram

MAMAYA PA YAN VHONG! @vhongx44 @t.winona

A post shared by Kuya Kim (@kuyakim_atienza) on

Noong 2009 pa nagsimula ang relasyon nina Vhong at Tanya.

Isang screenwriter si Tanya sa ABS-CBN. Nakilala siya ng publiko noong umugong ang balitang binugbog ng kampo ng businessman na si Cedric Lee ang kanyang kasintahang si Vhong, na inabuso di-umano ang model at aspiring actress na si Deniece Cornejo.

Maraming bumilib kay Tanya sa kanyang pagmamahal at suporta kay Vhong nang panahong iyon. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here