Vice Ganda: Galing sumayaw ni Dawn Chang, kaya iniwan niya yung GirlTrends

0
288
vice-ganda-dawn-chang-iniwan-ang-girltrends
Sa pagiging judge ni Dawn Chang sa “Sampu-Sample” ng It’s Showtime, nabanggit ni Vice Ganda sa hurado ang viral video ng GirlTrends na “How Do You Sleep”.

Sa pagiging judge ni Dawn Chang sa “Sampu-Sample” ng It’s Showtime, nabanggit ni Vice Ganda  sa hurado ang viral video ng GirlTrends na “How Do You Sleep”. 

“I can see the technique is there. Gustong-gusto ko ‘yon. Kasi ang pagsasayaw hindi lang puro hataw, kailangan may technique. Hindi tayo puwedeng puro aura,” komento ni Dawn sa isang grupong kalahok sa kompetisyon. 

Pinansin ni Vice ang sinabi ni Dawn at patawang sinabing, “Oh, GirlTrends, pinariringgan kayo,” at sabay na tawa ng Madlang People. 

“Hindi pa tapos sa inyo si Dawn Chang,” dagdag pa nito. 

Bago nito ay pinag-sample pa si Dawn ng sayaw. Señorita ang naging tugtog ng hurado. 

Pagkatapos pa lamang ng sample ni Dawn ay may nabanggit na si Vice rito. 

“Ang galing sumayaw ni Dawn Chang, ‘no? Kaya iniwan niya ‘yung GirlTrends, e!” 

“Kung ‘di ka umalis, sana trending ka rin. Sana hinintay mo ‘yung number na ‘yun!” pabirong sinabi ni Vice. 

Bakit iniwan ni Dawn ang GirlTrends? 

Isa si Dawn sa mga original GirlTrends na binuo mula sa It’s Showtime noong 2016. 

Mula noon, mangilan-ngilan na din ang umalis sa grupo at nadagdag. 

Unang naging kontrobersiya noon ay ang pagsasalita ni Karen Reyes tungkol sa kanyang pag-alis sa grupo. 

“Kaya ako umalis, hindi ako masaya,” banggit ni Reyes pagkatapos ng kanyang naging rebelasyon na mayayabang at plastik ang mga kasama niya sa grupo. 

Kamakailan ay binago ang branding ng grupo, kung saan kasama pa si Dawn. Ngayon, sina Sammie Rimando, Krissha Viaje, Joana Hipolito, Mica Javier, Mikee Agustin, Jessica Marasigan, at Chienna Filomeno ang bumubuo sa GT. 

Hiningan naman ng sample ni Vice Ganda si Dawn kung paano ang tamang pagsayaw ng “How Do You Sleep” ni Sam Smith. 

“Ganyan lang kadali, bakit hindi pa nagawa ng GirlTrends!” komento ni Vice, pagkatapos ipakita ni Dawn ang dance steps.

“Ganyan, hindi puro aura!” dagdag pa ni Vice, pagkatapos nitong gayahin ang moves ni Dawn. 

Tinanong  din si Dawn kung paano ba yung steps doon sa parteng hindi sabay-sabay ang GT. 

“Hindi ako sure, naguluhan din ako sa kanila nung pinanood ko,” sagot ni Dawn Chang na siyang nagpahagalpak ulit sa Madlang People

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here