Vickie Rushton, muntik nang hindi makasagot kay Daniel Padilla sa Q&A portion

Tila nasayang lahat ng special awards ni Vickie Rushton sa Binibining Pilipinas dahil sa kaniyang naging sagot sa Q&A Portion!

0
319
vickie-kinabahan-sa-tanong-ni-daniel-padilla

Ang Mutya ng Pilipinas 2011 at Binibining Pilipinas 2018 1st runner-up, Vickie Rushton, ay halos hindi masagot ang tanong ni Daniel Padilla kagabi tungkol sa importansya ng kalusugang pangkaisipan.

Naging maganda ang unang parte ng sagot niya, ngunit mukhang kinabahan ang aktres sa bandang dulo ng kaniyang sagot.

Alam naman natin na sa Q and A portion ng kahit anong beauty pageant competition ay kailangang hindi lang malaman ang sagot, pero mahalaga din na magaling ang iyong paghatid ng mensahe.

Ang kanilang kumpiyansa sa pagsagot ang siya ding batayan na hindi lang ganda ang meron sila kundi pati brain para makoronahan bilang isang reyna.


Sagot ni Vickie Rushton

Ang eksaktong tanong ng aktor na si Daniel Padilla ay, “Why mental health is as important as physical health?”

Ang sagot ni Vickie Rushton ay, “Mental health is as important as physical health because of our inner being. Having self love is important and as a woman… as a woman, I can inspire and empower the people to take care of themselves, to take care of their mind, as well as their health. Because, they will be as effective.”

Sa kalagitnaan pa lamang ng kaniyang pagsagot ay naghiyawan na ang mga tao sa Araneta, kaya siguro lalong kinabahan ang Negros Occidental Binibini.

https://www.youtube.com/watch?v=7AJ57KN8Tk0

Nanghinayang ang mga tao sa kaniyang naging sagot, dahil pa naman halos nakuha niya ang mga special awards.

Akala ng iba ay mangyayari sa kaniya ang mga nangyari kay Miss Universe Philippines 2018, Catriona Gray, na naiuwi niya halos ang mga special awards at ang pinakamataas na korona.

Nakakabigong Q&A Portion ng Binibining Pilipinas 2019

Makabuluhan pa naman ang lahat ng mga adbokasiya ng mga kandidata, ngunit tila hindi lang kay Vickie nabigo ang mga tagasubaybay ng kompetisyon.

Marahil nakasagot nga ang mga ibang kandidata, pero hindi nila napahanga ang mga tagsubaybay sa kanilang mga “template” na sagot.

Tila mga hinog daw sa pilit ang mga kandidata sa mga kanilang mga pagsagot.

Sumakatuwid, abangan na lang natin ang mga susunod na laban ng mga nanalo.

Sana lang ay ang mga magiging sagot nila sa kani-kanilang global competition ay manggagaling na sa kanilang mga puso at hindi mga sagot na halatang kinabisado.

Listahan ng mga Kinoronahan

Bb. Pilipinas 2019 2nd runner-up – Samantha Bernardo, Palawan
Bb. Pilipinas 2019 1st runner-up – Maria Andrea Abesamis, Pasig
Bb. Pilipinas Globe 2019 – Leren Mae Bautista, Laguna
Bb. Pilipinas Intercontinental 2019 – Emma Mary Tiglao, Pampanga
Bb. Pilipinas Grand International 2019 – Samantha Lo, Cebu
Bb. Pilipinas Supranational 2019 – Resham Saeed, Maguindanao
Bb. Pilipinas International 2019 – Bea Patricia Magtanong, Bataan
Miss Universe Philippines 2019 – Gazini Ganados, Talisay, Cebu


LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here