Villar on Agri: 50-50 budget para sa research at projects

0
39
Villar-on-Agri--50-50-budget-para-sa-research-at-projects
Senadora Cynthia Villar, itinangging ayaw niya sa Agricultural research.

Iginiit ni Senador Cynthia Villar na kailangang pagsikapin ng mga namumuno na balanse ang budget sa paggawa ng mga research project at practical application sa agrikultura. 

Sa naging panayam kay Villar sa Unang Balita kanina, sinabi niyang dapat na pagkasyahin ang budget at huwag ilaan ang lahat ng pera sa pananaliksik. 

“Ang sinasabi ko lang, babalansihin lang nila kasi importante din na kalahati ng budget pagkasyahin na nila sa ganun (research) tapos ‘yung kalahati ibigay na nila sa mga tao in terms of projects,” paliwanag ng Senadora, pagkatapos kuwestyonin kamakailan kung may naitutulong ba talaga ang pananaliksik ng mga awtoridad. 

Ayon sa kanya, mas maiging may aplikasyon na magaganap pagtapos ang pananaliksik para mapakinabangan ang mga ito. 

“Kung may research nga tapos wala namang application, it won’t benefit our farmers,” saad ni Villar. 

Bilang Komite ng Senado ng Agriculture and Food, ayon kay Villar, ang pinaka-kailangan ng mga magsasaka ay mga binhi, gamit sa pagsasaka, at irigasyon. 

villar-on-agri-50-50-budget-sa-research-at-project-1

Naging usap-usapan kasi ang naging pahayag ng senadora noong Miyerkules pagkatapos marinig ang naging alokasyon ng budget ng Department of Agriculture (DA) para sa corn research at calamity assistance

“Baliw na baliw kayo sa research? Aanhin niyo ba yung research? Ako, matalino akong tao pero hindi ko maintindihan ‘yung research niyo. Lalo na ‘yung farmer, gusto ba nung farmer ‘yung research? Hindi ba gusto nila tulungan niyo sila? Bakit ba lahat ng budget ninyo research? Ayusin niyo ‘yan,” galit na tanong ni Villar sa naganap na budget hearing. 

Ayon naman sa national coordinator ng National Corn Program na si Lorenzo Carangan, tumutulong sila sa mga magsasaka sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga binhi at pataba sa lupa. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here