‘Wala na munang nega,’ pakiusap ni Ai-Ai delas Alas tungkol sa SEAG issues

0
56
‘Wala na munang nega,’ pakiusap ni Ai-Ai delas Alas tungkol sa SEAG issues
"Wala na munang nega,' pakiusap ni Ai-Ai delas Alas sa mga pumupuna sa mga kaganapan sa SEA Games 2019 sa Pilipinas.

Nakiusap na rin ang komedyanteng si Ai-Ai delas Alas sa sambayanang Pilipino na isantabi na muna ang pag aaway-away tungkol sa mga problema sa 30th Southeast Asian Games at enjoyin na muna daw ang pagligsahan. 

Nitong umaga lang ang post ni Ai-Ai sa kanyang Instagram account, kung saan sinasang-ayunan nito ang pahayag ng Boxing Champ na si Senador Manny Pacquiao

“Tama senator … parang awa nyo na wala naman na munang nega,” ani delas Alas sa kanyang IG caption. 

“[E]njoy naten ang SEA Games.. saka na kayo mag away away pag tapos na kasi para naman hindi nakakahiya sa mga bisita,” dagdag ng komedyante. 

Bukod kay Ai-Ai, nauna nang nagpahayag ng saloobin ang aktor na si Robin Padilla sa mga kaguluhang nagaganap sa pangunguna ng Pilipinas sa pagsasagawa ng SEA Games ngayong taon. 

“May oras para sa ating sariling hindi pagkakaintindihan [lalo’t] dulot ng tradisyonal at baluktot na kultura ng pulitika nating naaagnas na sa baho,” pahayag ni Padilla. 

“Hindi ko sinasabing pagtakpan ang mga isyu dahil hindi nararapat sapagkat totoo ang sinasabi ni heneral [Bong Go] ang mga ganitong system malfunctioned ay hindi kinakatakutan kundi pinag aaralan para wag mangyari uli,” dagdag nito. 

View this post on Instagram

Katulad ni senator Bong Go Ito rin ang naging pakiusap ko sa mga lumapit sa akin patungkol sa kanilang mga reklamo na May oras para sa ating sariling hindi pagkakaintindihan lalot dulot ng tradisyonal at baluktot na kultura ng pulitika nating naaagnas na sa baho. Hindi ko sinasabing pagtakpan ang mga isyu dahil hindi nararapat sapagkat totoo ang sinasabi ni heneral bong go ang mga ganitong system malfunctioned ay hindi kinakatakutan kundi pinag aaralan para wag mangyari uli. Hindi tayo dapat matakot magkamali kapag naghahangad ng tagumpay at ang tagumpay ng lahat ng ating mga pangarap para sa Inangbayan ay haharapin ng ating mga Atleta kailangan nila ang nag iisang boses ng mga Pilipino na nagkakaisa at isinisigaw ang ating Bansa habang nagwawagayway ng ating napakakulay na Bandila 🇵🇭 ito ang oras nating mga pIlipino wag tayo tayo ang maghilaan pababa itaas natin ang bawat isa! Tama din na pasalamatan natin ang mga manggagawang Pilipino na nagovertime sa paggawa at pagrenovate ng ating mga sports facilities hindi man sila nakaabot sa ibang deadline nila hindi naman ibig sabihin na silay nagpabaya maaring dulot ng hagupit ng kalikasan. Palagiang maging postibo muna tayo mga kababayan may oras para silipin ang mga pagkukulang sa ngayon purihin muna natin kung ano ang magandang nagawa ng ating mga kababayan na manggagawa para sa ating mga atleta at sa mga darating na henerasyon na mga kabataan. Patnubayan at pagpalain nawa ng Nagiisang Panginoong Maylikha ang Inangbayan Pilipinas at ang lahing Pilipino. Sumaatin nawa ang kapayapaan at tagumpay in shaa Allah 🇵🇭

A post shared by robin padilla (@robinhoodpadilla) on

#SEAGamesfail

Naging matunog kasi ang mga “nakakahiyang” pag-oorganisa ng naturang kaganapan dahil sa mga hindi pagkakaunawan. 

Maging sa mga karatig bansa sa Asya ay ibinabalita na ang matagal na pagsundo at pagbigay ng mga maaayos na pahingahan sa mga banyagang atleta. Bukod doon, naging malaking isyu rin ang ang hindi nila pagbigay ng masustansyang almusal sa mga team, kung saan kikiam at itlog lamang ang kanilang ulam. 

Hindi naman din kasi natigil ang pagpuna ng mga Pilipino, sapagkat simula pa lamang sa logo ng SEA Games, sa cauldron na nagkakahalagang 55 milyong piso, sa pagtanggal ng mga magagaling na atleta sa mga team, hanggang sa ngayong pagsalubong sa mga banyagang atleta ay kapuna-puna na ang mga pangyayari. 

Ayon sa mga kritiko sa social media, hindi naman mali at kaya nilang pagsabayin na punahin ang mga pagkakamali ng gobyerno at suportahan ang mga Pilipinong atleta. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here