Yasmien Kurdi, bumili ng painting para mapalaya ang isang bilanggo

0
91
Yasmien-Kurdi,-bumili-ng-painting-para-mapalaya-ang-isang-bilanggo
Si Maricris Estrada ang napalayang bilanggo mula BJMP Tagaytay ni Yasmien Kurdi.

Nasa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) si Yasmien Kurdi kung saan natulungan niyang makalaya ang isang bilanggo sa lungsod ng Tagaytay. 

May taping ang teleseryeng pinagbibidahan ni Kurdi sa BJMP Tagaytay, kaya nadako ang Kapuso actress doon kahapon. 

Ayon kay Yasmien, sa pagbili ng isang artwork,  na gawa ng isang preso, ay mapapalalaya ang isang bilanggo na hindi kayang magpyansa. 

Ibinahagi ni Yasmien ang balitang ito sa kanyang Instagram account. Pagkukwento niya ay napansin niya lamang ang napakaraming artworks na naka-display sa BJMP

Sa pagtataka ni Yasmien, nalaman nga niyang ang pagbili ng isang art piece ay makakapagpalaya ng isang bilanggo roon. 

“Yun pala, kapag nakabili ka daw ng isang art piece na gawa ng mga preso, makakalaya ang isang tao dahil may pang piyansa na siya,” bahagi ng aktres sa kanyang post. 

Hindi nga pinalagpas ni Kurdi ang pagkakataong makapagpalaya ito ng bilanggo. 

“Makakalaya ka na Ms. Maricris Estrada. Makikita mo na yung mga anak mo sa labas ng kulungan. Alagaan mo sila,” pagbati ng aktres sa lumayang bilanggo. 

Ang biniling painting ng aktres ay gawa ng isang “Kuya Jason” na kanyang pinasalamatan din sa post. 

Nagpasalamat din ni Yasmien sa warden doon na si Aris Villaester na siyang umasikaso sa kanya at sa ibang kasama niyang nagte-taping. 

Ang kinukuhang teleserye ni Yasmien sa BJMP Tagaytay ay ang “Beautiful Justice” ng GMA network, kung saan kasama niya sina Gabbi Garcia, Bea Binene, Derrick Monasterio, at Gil Cuerva. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here